blog*spot
blog*spot
blog*spot
blog*spot
get rid of this ad | advertise here
-->                     ..:::C'mon, c'mon we'll tell the world about You:::..-

Thursday, December 21, 2006
Burloloy












Kita ninyo 'yang na sa taas? Hindi na siguro bago sa paningin ang mga bracelet na may katagang "WWJD". Alam na ng lahat (maliban na lang kung nakatira ka sa ilalim ng bato), na ang apat na letrang 'yan ay nangangahulugang "What Would Jesus Do". Kaya medyo kakaiba 'yung itsura niya, kasi bigay 'yan sa 'kin. Hand-made. O di ba, saan ka pa, ang galing. Tsaka cute no?

Lagi ko 'tong sinusuot. Araw-araw. Pero alam ko naman na wala naman itong kamandag na naidudulot. Kapag suot ko 'toy hindi naman ako nagkakaroon ng kapangyarihang maglakad sa tubig o magparami ng tinapay (pero kapag may nakita kang ganoon, sabihin mo sakin, ha?hehehe). Hindi rin naman ako bigla na lang bumabait. Ano 'to, sagradong anting-anting?

M
insan malaki ang naitutulong nito bilang alaala. What would Jesus do nga naman. Malay natin, baka nga sa isang araw ay 'tong "JD" pa ang makapagligtas sa akin (o sa kaaway ko) mula sa madugong sapakan. Pero inaamin ko rin na hindi naman ako tumitingin-tingin dito na kumbaga ito'y relos, o kaya'y parang Power Ranger na bigla na lang sisigaw "It's JD time!". Siguro nga, kaya ko 'to laging sinasabit ay para mapakita ko ang aking pagka-Kristyano. Para may "Christian stuff" naman akong suot-suot.

'Yun din siguro ang iniisip ng mga iba pang Kristyanong inaaraw-araw ang pagsuot ng WWJD, pagsabit ng kwintas na hugis krus o isda sa leeg, o pagsuot ng mga "Godly T-shirts" galing sa Wisdom Corner o Fig Tree. At walang masama doon! Go, 'wag ka mahiyang maging Christian! Testify for the Lord! "I'm a Jesus Freak!" .. Pero, ako rin mismo, ay madalas nakalilimot na ang kaugaliang ito ay may kasamang matinding responsibilidad.

At pinaalala 'yun sa akin ni Lord kahapon.

Pauwi ako galing sa SM pagkatapos ng Yearbook Com. meeting sa Repro kahapon. Medyo traffic sa may intersection ng North Ave. at Mindanao, kaya nakahinto 'yung Jeep. Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako nang biglang may batang sumampa sa may papasok, na sabay ang pagkanta ng

"Sa may bahay ang aming bati.. Merry Christmas... "

Walang pumapansin sa kanya. Sa kaloob-looban ko, "bata, sana umalis ka na lang.. o sana umandar na lang 'yung jeep..
Wala akong barya.. Labag din sa batas ang maglimos at magpalimos..Sa may bahay naman pala 'yung bati mo e. Doon ka na lang sa bahay bumati. Jeep 'to..walang magbibigay sa 'yo rito."

"ang pag-ibig ang siyang naghari,
araw-araw ay magiging pasko lagi.."

Wala pa rin. Paano ba naman kasi, mahirap magpalimos. Malay mo ba kung saan napupunta 'yung pera na 'yun, baka sa sindikato lang. O baka naman kung bigyan mo, pagkaguluhan lang, gaya ng nakwento sa akin ng nanay ko dati. Namigay sila ng mga lata ng gatas sa mga batang-lansangan, tapos pinagkaguluhan. Riot. Para daw sa kapatid nila. Lahat sila may kapatid.

Ang sakit pa ring tignan. Nakakaawa 'yung bata. Pero parang walang nakakakita sa kanya. Dedma..Sana talaga umandar na lang yung jeep.

Tapos 'yung katabi ko nag-abot ng barya. Sabay andar ng jeep.

Para akong nadurog. Tapos tinago ko 'yung kamay ko. Pakiramdam ko kasi, lahat ng tao sa jeep nakikita 'yung suot-suot kong bracelet na WWJD. 'Yun ang pinaka-una kong beses na ikinahiya kong may suot akong JD.. Wala kasi akong nagawa.
Ang dami kong palusot.

Totoo nga, mahirap talaga. Pero sa mga ganoong pagkakataon, hindi ka maliligtas ng kasabihang "it's the thought that counts..".. Sa ganoong sitwasyon, either binabagabag ka na ng konsensya mo o hindi mo iniisip at all. E kung si Jesus nga ba talaga 'yung nakasakay sa jeep pauwi, ano 'yung gagawin Niya?!? Sinasabi nating Kristyano tayo, pero may nagagawa ba tayong pagbabago sa ating paligid? Minsan, 'yung pagka-Kristyano nagiging burloloy lang na tinatanggal kapag naliligo tapos sinusuot ulit.

Lord.. Patawad po..






__[Romans 12:1-2] | 9:03 AM

Thursday, December 14, 2006
Exercise, Politics, Happy Feet at *ahem*

Susulitin ko na ang pagbblog, mahaba kasi ang araw ko.. Subra-subra. Hahaha..

New Routine
Ayan. Kakaiba ang simula ng araw ko ngayon. At sasadyain ko nang maging ganito ang simula ng araw ko para sa buong bakasyon. Imbis na gising, kain tapos tulog ulit, naging gising, tapos exercise! Gwahahahahaha.. Noong una sinubukan kong mag-trampoline, kasi 'yun din ang ginagawa ng parents ko.. Pero hindi ako napagod. Tapos na-conscious din ako dahil nakikita ako ng guard ng kapitbahay namin sa labas.. Kaya umakyat ako ng kwarto at ito ang naging aking solusyon...


GAHAHAHAHA!!! Sige Andrew, do the moves.. hehe..

So ayun.. I've decided to be a little more "health conscious" kuno this break. Lakas ko na kasi kumain. Tapos sumisikip na 'yung mga iba kong pantalon. O ano kala ninyo problema lang ng babae 'yun ano? Buti sana kung nabibitin lang 'yung pantalon e, kaso sumisikip lang. Go Stepper!!!

Morning news
Pero may maganda din naman akong napala kanina, kasi nanonood ng morning news program habang nag-eexercise. Nakita ko 'yung interview ni Customs Commissioner Morales tungkol sa recent cases ng rampant pork smuggling. Turns out they were able to confiscate 32-M pesos worth of banned frozen pork. But the story doesn't end there. The point of controversy is that most people belive the Bureau's officials themselves may be the ones behind all the smuggling and illegal activity. The Bureau of Customs is indeed quite notorious for being a favorite among those who are desperately trying to get a position in the government, so I've heard. Madali raw kasing yumaman, kahit na sa kaila-ilaliman ka pa ng structural heirarchy nila. Bakit kaya?

I was enraged when the Comissioner was completely caught off-guard and desperately trying to change the topic when asked a certain question. He spoke a lot of words but never answered the question directly.
The question was: If you were to undergo the lifestyle check today, do you think you would succeed in passing their rating?

"Alam mo, wala naman talagang rating na binibigay 'yung lifestyle check na 'yan e. Itetest ka nila, tapos kung may makita silang hindi maganda ay magfifile sila ng report sa Ombudsman. Nakapag lifestyle check na ako dati, at wala namang nareport tungkol sa akin. Hindi na trabaho ng Customs iyan, hiyaan mo na sila"

Aaaaaah. Okey. Sige.

And yet earlier he was able to recount in detail how they were able to apprehend a nine-year-old street child who was able to climb through a window to steal some food items from the Customs Office itself. Isn't that ironic?

On to lighter things...
Hayy, o sige magkkwento naman ako ng masaya.

Pumunta kami sa school fair nina Dixie kanina!!! Ohyeah. Second time naming bumisita sa Holy Family. Third pala, kung icocount 'yung isang beses na dumalaw kami nina Andrew at Shayne (kahit hindi kami pinapasok). Pero pansin ko lang ah, everytime na makakapasok ako sa school na 'yun, kasama ko si Virgil! So ayun, todo bonding-bonding kami ni Virgil. Met new friends, 'yung mga kaklase ni Dix. Tumulong sa pagset-up ng jailbooth. Sumakay ng Octopus (napasigaw nga kami eh, pero sa totoo nililibang lang namin sarili namin).. tapos nung wala na kaming magawa, ayan na nagpahabol na kami sa mga tagahuli nila. Sa totoo, 'yun lang naman talaga pinunta namin doon eh. Para magpahabol. Hahahaha..

Paano ba naman, ang saya-saya kasi mag "epic chase". 'Yan na ang term namin. Hehehe.. Parang action movie. May adrenaline rush. Kulang na lang biglang sasabog 'yung trash can tapos tatalon kami sa bintana at mababasag 'yung glass. Masaya siya, lalo na kapag wanted ka na dahil marami ka nang natakasan tapos biglang sampu-sampu na pala 'yung humahabol sa 'yo. Effective pang-exercise. Malupit pa sa Stepper.

Pero 'di nagtagal ay nahuli din ako. Actually naisahan lang ako dahil inaasar ko si Virgil (nakatali na siya isang beses tapos ako naglalakad lang sa tabi niya), pinalibutan ako tapos ayun. E ayaw ko namang makipag-wrestling sa babae, hanggang takbuhan lang ako. So ayun. At ano ang ginawa sa akin? YOU DON"T WANNA KNOW.
Pero dahil hindi ako KJ.. Ganito na lang.. Hmmm..

Masarap ang bagoong. Gawa ito sa mga dinurog-durog na maliliit na uri ng hipon. Karaniwang sinasabay ito sa pagkain ng hilaw na mangga, kare-kare, pinakbet, at huwag kayong magulat, binagoongan.

Ang armpit naman, o kung medyo nadidiriian kayo'y tawagin na lang nating kili-kili, ay natural na bahagi ng katawan ng tao. Hindi pa ako nakakakita ng taong walang kili-kili. Kadalasan kapag sumasapit na sa tamang edad ang isang tao'y nagkakaroon na ito ng kakaibang amoy dulot ng microbyong naninirahan dito. Pero iyan ang silbi ng pagligo at paggamit ng deodorant. Sama mo na rin ang pampaputi. Kaya't hindi naman talaga karumal-dumal ang kili-kili.

Ngayon, ewan ko ba kung ano ba ang problema ng Math, pero kapag ginawa mong Bagoong + Kili-kili ay magkakaroon ka ng State of Emergency. Dalawang napakanormal na bagay, pero kapag pinagsama'y biglang.. ay basta, gets niyo na 'yun. KADIRI..

Ang pinakamasaklap sa lahat, pagkatapos nilang gawin 'yung ginawa nilang 'yun, bigla akong nakarinig ng "teka, sinabihan niyo bang pwede siyang magbail?"

Pero ayun, nakiride na lang ako, tinali 'yung kamay ko sa likod ko nang nakataas tapos pinarada ako sa school nila. Siyempre smile pa rin ako di ba! Sa isip ko "di bale, mas malala ang ginawa kay Lord! WOOHOOO!" Tapos siyempre binabati ko pa lahat ng makasalubong ko. Hindi naman nila ako kilala, at hindi na rin naman nila ako makikita ulit eh! Kahit kailan!!! Hahaha.. Kala niyo ah, por que't sikat na ako diyan bilang Binagoongang-Kili-Kili-Man ay babalik-balikan ko kayo?!?!?! "I'M NOT YOUR BABY NO MORE!".. Hahahaha =))

Pero di bale, enjoy naman. Salamat nga pala sa accomodations sa booth ninyo Dix. Buti na lang, may dala pa akong T-shirt, kasi noong hapon dumating si Nave tapos nanood kami ng Happy Feet sa The Block.

Happy Feet
Cute 'yung movie dahil sa mga penguin, pero ang masasabi ko lang ay hindi siya pambata. Maappreciate siguro nila dahil cute nga 'yung mga penguin, pero kung napanood mo na makikita mo it was clearly made to appeal to a more mature audience.

Profound siya. Marami siyang natatamaang themes. Pero may mga iba lang akong nakita sa mga implied messages sa movie na hindi ko masyadong nagustuhan. Oh yeah, nagagamit ko na Media Filtering skills na natutunan dati sa camp. Pero sa ibang panahon ko na siguro ikkwento, dahil ayaw kong ispoil para sa mga hindi pa nakapanood. Paalala niyo sa akin, promise importante 'yun at gusto ko ring mashare.

Ayun. Bukas bonding with gradeschool friends.

At by the way, sana huwag kayong matakot sa akin, nakaligo na ako. May wisik pa ng alcohol.







__[Romans 12:1-2] | 9:49 PM

HOO HOO, SUBRA SUBRA!!!

Pito: drew, this is it..
Pito: matagal ko nang hindi nafefeela ng feeling na 'to..
Pito: parang gusto kong magblog!
Andrew Torres: go!!!
(hindi siguro eksaktong ganito dahil nakapatay ang message-archiving ko)
..tapos biglang magIIM si Kimer out of nowhere..:

Kimer: E di magblog ka!!!

Huh??!? Deh joke. nilagay ko sa status message ko..

*cheneen*

So ayan, heto nanaman ang aking pagbabalik. Naka-dalawa na yata ako noh? Buti naman, buhay pa rin ang tricycle ko. Sabi nga ng iba, "what doesn't kill you only makes you stronger". (So mas malakas na pala akong humilik ngayon)

Nanghihinayang lang ako, kasi ang dami dami na palang lumipas sa buhay ko nang hindi ko naitatala. Ang tagal ko na kasing hindi nagpaparamdam.. Anu-ano nga ba?


Ang dami ano? Hindi nga lang masyadong practical kung iisa-isahin ko lahat ng nangyari. Aabutin tayo ng siyam-siyam. Pero mayroon sigurong dalawang bagay na hindi ko pwedeng palampasin nang hindi ko nababanggit man lang sa blog..

Una, 'yung Birthday ko. Dapat sana ikkwento ko ang lahat ng nangyari, pero mukhang huli na para doon. Ito na lang: gusto ko ulit magpasalamat kina Garrick, Shayne, Dani, Jao, at Jeric, at sa lahat nang nakisangkot sa kanila. SALAMAT. 'Yun ang pinakamasaya kong kaarawan sa buong buhay ko. Tipong pwede na akong makaraos ng sampung taong hindi nagbibirthday, dahil ang lakas ng hangover niya. Talagang masasabi ko nang buong puso, "buti na lang pinanganak ako, kasi kung hindi ay 'di ko makikilala ang mga kaibigang tulad nila". Love you guys.
Lahat ng nagbookmark, (pati 'yung mga nakalimot) lahat ng nag-ambag doon sa amp, 'yung mga sisterloos din ni Shayne na tumulong, 'yung mga kasama doon sa picture thing, 'yung mga nagtago sa grandstand, at 'yung mga kumain ng cake (BTW sori Jaki, naubusan ka ng cake!!!!!!). LAHAT KAYO. GRABI!!! Kayo ang buhay na patunay na mapagmahal at matapat ang Diyos!

Sunod, 'yung ACTS Camp.

Siguro magandang pagkakataon 'to para pasalamatan 'yung mga tao. Salamat kina Ma'am Pacarangan, Ma'am Gene (na nagpaiwan pa sa Pisay para mag-abang sa mga nawawalang bata na nauna na pala sa campsite -Ma'am we owe you, BIG TIME..hehehe ), Sir Mike at Sir Vlad, na nakapaghanap ng panahon para pumunta at asikasuhin kami kahit na sobrang busy sa trabaho sa school. Salamat kina (Direk) Ate Di (and baby), Kuya Jeff at Ate Shebel, 'yung mga nagmamahal na IVCF staff na nakisabwat sa mga teacher namin para pagplanuhan ang lahat. Salamat kina Kuya Dave, Ate Elsie at Ate Mili, 'yung mga speakers na nakipagsapalaran pa sa ulan at traffic para lang mapaabot sa amin ang mensahe ng Diyos. Salamat kina Tito Greg at Tita Elvie Ong at pati na rin kay Manong Driver Nina Mrs. Hugo na naghatid sa amin papunta at pabalik. Salamat na rin sa staff ng Villa De Castro na nagluto ng kinain namin, nagpalit ng nasirang aircon sa Room 4 at nagtanggal ng oil sa swimming pool.SUBRA-SUBRA ang pagmamahal ninyo kay Lord!

Pero higit sa lahat, THANK YOU, LORD. <3<3<3>

"G.I.G Tayo" - Grow in God. Grow in grace. Eventually, grow in glory. Nabless tayong lahat sa mga talks, sa praise and worship, sa exposition on Psalm 1, sa Bruce Almighty film-showing at discussion (waw pwede palang himay-himayin 'yun), sa obstacle course, sa presentations, sa quiet time, sa tulog, sa pagkain, at kung ano pang ibang activity. Pero lahat tayo may iba-ibang karanasan sa camp. Kani-kaniyang kwento. Marahil iisa ang theme, pero iba-iba ang kahulugan para sa ating lahat.

Well, para sa akin ang G.I.G ay nangahulugang pagkuha ng lakas kay Lord sa pagharap sa personal struggles. Para akong halamang diniligan. O mas mabuti pa, nilipat sa ibang paso, kung saan mas mataba ang lupa. Kapag may pasok kasi, sobrang daming dumadaan sa isip ko, labas-pasok naman. Buti na lang at ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon para 'yung pumapasok naman ay tumagos sa aking puso.

Hay nako Itay, ang galing mong tumiming. Saktong-sakto. Thanks for using this time to remind me that obedience comes at a cost. Thank You for showing me the value of sacrifice. Thank You for telling me to wait on You and trust in Your promise. Thank You for reassuring me that even "mistakes" in the past all happen for a purpose. Thank You for reminding me that "without You, I have no good thing"..

Kinapos man ako sa bonding time with my friends, di rin ako nahihinayangan dahil ginamit naman ni God 'yung oras para kausapin ako tungkol sa mga bagay na pinagdadaanan ko. Di bale, may ibang oras naman para magbonding. Salamat din nga pala sa mga kaibigan kong tumulong. Salamat sa pakikinig, pagsasalita, oras at prayers ninyo. Maraming-maraming salamat din, Sir Mike. Buti na lang, andyan ka at patuloy na nagpapagamit kay Lord. Salamat na rin sa kape. hehehe..

So ayun, kakaiba ang camp ko this year. Nakagapang ako sa oil+peanut butter. Nakapagquiet-time ako sa tabi ng lake (ang CoOL nga eh, iniimagine ko kung ano kaya itsura noong natuturo si Jesus sa may lake). Nabless akong makita 'yung mga '08. Nabless akong makitang nageenjoy sina Garrick at Jeric, kahit na first time nilang makapunta sa ganoon. It's a joy to see you growing in the Lord, guys. Kakaiba talaga ang GIG: Maikli, pero mabigat. Bitin, pero sakto. Ay, hindi pala...

SUBRA-SUBRA!!!! Woohoo!!!

*btw, wala akong pictures dahil hindi ko dala ang digicam ng magulang ko, pero kung gusto ninyo ay tignan niyo na lang ang multipy ni andrew, kaso di ako sigurado kung nakapost na*



At 'yan na lang muna, for now. Mahaba pa ang bakasyon. :D God bless

"I WILL RUN TO YOU"- Hillsong (Ang "camp song" para sa akin)

Your eye is on the sparrow
And Your hand, it comforts me
From the ends of the eart
To the depths of my heart
Let Your mercy and strength be seen
You call me to Your purpose
As angels understand
For Your glory, may you draw all men
As Your love and grace demands

And I will run to You
To Your words of truth
Not by might, not by power
But by the Spirit of God
Yes, I will run the race
Till I see Your face
Oh, let me live in the glory of Your grace

Isa pa: THANK YOU, JESUS..



__[Romans 12:1-2] | 1:05 AM

Sunday, August 06, 2006
IT'S OVER!!!!!

What if - Jadon Lavik

What if I climbed that mountain? What if I swam to that shore?
What if every battle was victorious ,then would you love me more?

What if I were everyone's first choice? what if I went farther than before?
What if I stood high above the rest, then would you love me more?

You say I belong to you apart from the things I do..
You say I belong to you.. I'm in awe of why you do

What if I ignored the hand that fed me? what if I forgot to confess?
What if I stumbled down that mountain, then would you love me less?

What if I were everyones last choice? what if I mixed in with the rest?
What if I failed what I passed before, then would you love me less?

You say I belong to you apart from the things I do..
You say I belong to you.. I'm in awe of why you do.

What have I done to deserve your son sent to die for me?
What can I give? I want to live, give me eyes to see..
In a world that keeps changing, there's one thing that I know is true..
Your love is staying, there's nothing else I'll hold onto..

Lord, it's over! Tapos na 'yung UPCAT.. Such a big weight lifted from my chest. Everything's in Your hands, as it was right from the very start. My destiny is secured in You!!! Thank you Lord!!!! Para sa 'yo lahat 'yun!!!!

Perio na lang!!!

OWNING na 'to!!!!

Philippians 4: 6 - 7 : "Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, commit your requests to the Lord. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.."


__[Romans 12:1-2] | 10:58 PM

Monday, June 12, 2006
Seryosong Back to School entry.

"I swear I did not making this up"
Stupid typos.. Hahaha..
Wala na binura ko na, wag mo nang hanapin :P

At 'yan ang aking seryosong Back to School Entry, as promised.

It's back to school!


__[Romans 12:1-2] | 6:04 PM

Sunday, June 11, 2006
kababawan.. dahil ayaw ko munang magseryoso..

O ito naman, for a change of pace (what pace? hindi ako nga ako nagbblog ng isang buwan eh..)

For some odd reason, I've been having strange dreams lately. O, odd na, strange pa. Over na 'yan. Pero maniwala kayo sakin. Hehehe.. Ewan ko, kasi hindi ko rin alam kung bakit naaalala ko pagkagising ko eh. Sabi naman nila, umaabot ng 14 ang panaginip ng tao habang tulog sila, so hindi ko rin masasabing naaalala ko lahat.. But to remember one in vivid detail is weird enough for me (dahil siguro weird din talaga yung dream. at bakit biglang may English???).. um, di niyo na ako naiintindihan kasi ang labo ko, kaya ito, sample na lang..

Panaginip number 1:
Naglalakad si bata 1 at bata 2 sa Congressional Ave extension sa subdivision namin. Nagtutulak sila ng bote-dyaryo. Tapos may dumating na mama. Inagaw yung laman ng kariton nila.. Hinabol siya ng mga bata. Si bata 1, kumuha ng malaking bato at binato si mama. Sapul. Si bata 2, may dalang ice-pick. Ayun, sinaksak. Tapos dinala nila yung katawan sa bahay nila, tinago nila sa banyo. Pumasok ako sa bahay nila, nakita ko yung katawan. Tumakbo ako sa Brgy. Hall para isumbong sa pulis. Yung pulis ay si Joey Marquez. Nagbihis siya, tapos tumakbo kami pabalik sa bahay. Naunahan kami ng mga ibang pulis. The End.

Panaginip number 2:
May namatay na dalawang mag-ina. Nilibing namin sa buhangin. (oo, sa buhangin.. katulad ng gawain ng Ancient Egyptians bago sila natutong mag-embalsamo, ayon kay Garrick).. Nakabakat pa nga yung katawan dahil mababaw lang yung paglibing namin. Tapos, may dumating na lola. Nanay yata nila. Nagpatawag siya ng mga espiritista, kasi gusto niyang kausapin ang pumanaw niyang mag-ina. Sabi ko, ayaw ng Diyos iyon. Ayaw Niya yung nakikipag-usap sa patay at sa mga espiritu. The End.

Pansin niyo ba, ang recurring theme sa mga panaginip ko, kamatayan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako natakot/binangungot habang napapanaginipan ko yan (makita mo ba naman si Joey Marquez), pero hindi pa rin ako kumportable na napapanaginipan ko 'yon. Kadalasan kasi may ibig sabihin 'yun. Hindi naman ako takot mamatay, pero siguro takot akong mawalan ng isang bagay.. hmm.. ano kaya 'yon?...

But wait, there's more!!..

Dream number 3
Pasko. Um, ewan ko kung pasko, pero basta may okayson tapos nagbibigayan ng regalo lahat ng mga tao. Kasama namin si Sir Espinas. Pinatawag niya kaming "magkakabarkada" (pero hindi ko na maalala kung sinu-sino yung kasama sa barkada na 'yun) Sabi niya, magsama-sama daw kami, kasi bibili kami ng surprise regalo para sa isang tao. Sige naman kaming lahat, pero nahuli akong lumabas ng kwarto. Tinawag niya ako para sabihin sa akin na ako yung bibigyan ng regalo, pero magkunwari na lang daw ako na hindi ko alam para makasama ako sa iba sa pagbili ng regalo (ko) para makapili pa ako kung ano 'yung gusto ko.. So sige, go go go. Bago ako umalis, inabot na niya sa akin yung regalo niya. Isang kulay green na kahon, tapos sa loob may palanca. Sa palanca, may nakadrawing na Paramecium. Umalis ako para samahan 'yung "barkada". Pumunta kami sa department store ng Sta. Lucia East at dumiretso sa toys section para maghanap ng regalo. At ano 'yung regalo? Kurtina na Power Rangers. May isang set para sa bawat Ranger, pero wala kaming mahanap na Black Ranger curtains. Gaahhh.. The End.

I swear I did not make this up.. (My subconsciousness did. :P)

Strange. First two dreams were about losing something, the last one was about receiving (although in a very selfish manner-using people to get what you want.. Yak... bad 'yun ah).. Those Power Ranger curtains would look pretty awesome though.

Ok, change topic. Kahapon lumabas kami nina Dom, Garrick at Greggy. Magkkwento sana ako kung hindi "kababawan" 'yung nakalagay sa heading...

... ay, teka may kababawan palang nangyari kahapon.

Nanood kami ng Cars. Ganda ng sine, akala ko dati corny kasi tungkol sa mga buhay na car - parang lahat ng tao ginawang car. At hindi lang yon, may mga hayup din na car. (Hindi hayup as in "haaayuup!!". Hayup talaga, 'yung may buntot/pakpak) Nagustuhan ko. Pero may mga tanong kami na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Nakakagulo. Nakakabaliw. *say it with me* Nakakapagpabagabag.
1. Paano nanganganak ang cars? Paano sila nagpapakita ng affection in the first place?
2. Paano lumalaki ang mga batang cars?
3. Kapag pinanganak ang car, ang trabaho ba niya paglaki niya nakatakda na dahil sa itsura/uri niya?
4. Ano ang mga inaaral ng batang cars habang na sa school sila?
5. Bakit may mga cow na cars(tractors)? Para saan yung pagsasaka?
6. Sino ang nakikinabang sa mga bangketa?
7. Bakit may parking lot sa labas ng race stadium, e lahat ng cars nanonood sa loob? Ano 'yun, para sa mga alipin?
8. Saan nililibing yung cars kapag namatay na sila?
9. Ano itsura ng asong car?
10. Racing lang ba ang sport ng mga cars?
11. Ano itsura ng cars noong panahon ng mga Dinosaur?
12. Ano ang hinahatak ng kalesang car? Car din ba???

Please maawa kayo samin, naguguluhan na kami. Kung may alam kayong sagot.. siguro baliw kayo. Hahahahah..

Bukas na yung seryosong Back to School Entry :D




__[Romans 12:1-2] | 10:19 PM

Saturday, May 20, 2006
LC/DC 2k6: Final Challenge

05.13.06.
ISCF Leadership Camp/Discipleship Camp 2006.
Final Challenge...
My eyes seemed to sink deeper into their sockets as the knot of my blindfold was tightened. It was dark. Everything was silent, save for the breeze howling outside in the sudden May storm.. I felt someone take my arm and put something in my hands. Then I heard Ate Nika's voice (not exact words):


"Pito, hawaakan mo ang string na ito. Iyan ang buhay mo. Huwag mong bibitawan 'yan ano pa ang mangyari. Sundan mo lang 'to, at makararating ka sa pupuntahan mo"

Holding on to the string in my right hand, with my Bible, pen and camp manual tightly clutched in my left, I took a step forward. Then another step. Two more. Then, I heard a different voice.

"Pito, leader ka di ba?"
"Opo.."
"Leader ka ba talaga Pito? Maraming sumusunod sa 'yo, di ba?"
"..."
"Sa bagay, kung nagkakamali ka naman, wala namang nakakakita, di ba, Pito? Ikaw lang naman ang nakakaalam. 'Yung staff niyo, minsan lang naman dumalaw sa campus.. Kaya okay lang kapag nagkakamali ka, hindi naman nila nalalaman..
"

A heavy blow had landed, right in the very beginning.

Still following the string, I tried hard to ignore what I had just heard, and walked a bit farther. Just when I thought I had put enough distance between myself and the taunting voice, I heard another one whisper in my ear.

"Christian-christian? Woooo, corny mo! Akin na nga 'yan!"

A strong tug almost wrenched my Bible out of my grip, but I tightened my hold. I didn't know where the string would take me, but I definitely didn't want to lose my Bible along the way.

That was probably the first time I truly realized how important it is cling to God's word. And I was literally clinging to that little book like my life depended on it.

Feeling the string with my fingers, I continued along the path. The faint sound of someone playing the guitar came into the background. Somewhere nearby, people were singing praises to God. That had to be where the string was taking me. But as I moved forward, the music was drowned out by more voices.

.."pare.. may alam akong web-site na hot, puntahan natin mamaya..okay 'to!"

"ahihihi.. bitawan mo na yan, alam mo namang gusto mong sumama sa amin eh.."

"..Huwag mo nang gawin 'yan, sayang lang oras mo!"
"..Christian pala ah, yeah right!"

I was caught by surprise. They succeeded in snatching my pen and camp manual, but I was determined not to let them take away God's word. My Bible and the string were all I had left.


They tried to confuse me. They tried to block my path. Several times they tried to grab my Bible and remove my fingers from the string, but I held on. I had to get to the other end of the string. I couldn't lose my Bible.

..."kaya mo 'yan, pray ka lang.."

..."kaunti na lang, huwag kang bibitaw.."

I tried to block the bad voices out. Focusing instead on those bits of encouragement,I pressed on, following the string's path. On some occasions I had to stand on my toes keep it within reach, on others I had to stoop and feel the string along the ground. I bumped into chairs and table legs. I felt helpless at times, but I held on to one thought: Don't lose the string. Don't let go.

The singing steadily became louder. Just a little more, and I would my destination. Then finally, I reached a dead end.

"Pito pwede mo nang bitawan, tapos na.." ..The voice guided me to a small space and told me I could sit down.

I dropped to my knees and let my face hit the floor.

When all the campers had arrived at the destination, we were instructed to remove our blindfolds. As I lifted the damp cloth from my eyes, my gaze rested upon the object to which the string had been attached to. It was a cross.

Dear God, I'm sorry for the times when I have compromised. I'm sorry for the times when I have done things that grieved Your heart. I want to put all those things behind me. I can never thank you enough because you freely offer forgiveness through Jesus Christ. Your blood is a price I can never hope to repay.

Thank you for destroying my pride by washing my feet.

Teach me to walk the path that You want me to walk. Teach me to walk with You and listen to Your voice. Teach me to cling to Your word and treasure it with all my heart, because my life does depend on it.

During a camp, we experience a powerful encounter with God. Everything seems clearer , because we are sheltered in ideal conditions. He speaks, we listen, and often times we are challenged to do great things and make great changes. But the real challenge begins when we get back to our normal lives. Things may not be as dramatic outside of camp. But outside of camp, things are 100% real.

Jesus, I'm up for the challenge. I don't want a camp hangover. I wan't something real, something that lasts.
I am sick and tired of compromising. Set me on fire.















__[Romans 12:1-2] | 3:39 PM

Friday, May 19, 2006
Intermission...

Ang bakasyon ko ay tadtad ng mga camp. May "SAKTO:Swak Ka Dito" ng CCBC at "LC/DC 2006:No Compromise" ng ISCF.. at sa dalawang pagkakataong ito, nangusap sa akin si Lord.. pero bago ang lahat ng mga seryosong usapan, kaunting intermission muna..

Ito ang pagtatalastas namin ng isa kong kaibigang si Kiel, taga-FCCF na nakilala ko noong sakto. Nabalitaan ko na pupunta daw kasi sila sa Youth Fellowship namin sa CCBC sa darating na Lingo..
Pito: Pito: magdala kayo ng ano..
KielPogi rebolledo: ng?
KielPogi rebolledo: anu ddalhin namin?
Pito: ng Ultraman
Pito: para masaya
KielPogi rebolledo: anu yun?
Pito: oo magdala kayo ng Ultraman..
Pito: yung alien na malaki na sumusugpo ng halimaw sa kalawakan..
KielPogi rebolledo: haha
KielPogi rebolledo: alala q na,, bata p aq nun
KielPogi rebolledo: haha
KielPogi rebolledo: bket?
Pito: basta masaya yung mga ultraman.. yung sobrang laki
Pito: cool sila e
KielPogi rebolledo: haha
KielPogi rebolledo: sabi mo eh
KielPogi rebolledo: hehe

..yun lang.. sige malapit na yung seryoso, nag-iinternalize pa ako..


__[Romans 12:1-2] | 10:46 AM

[[ P r o f i l e-----------------

Name:Pito "Jose Pedrito" Magno
Date of Birth:11-26-89
School:Philippine Science High School


Check out my Multiply!


+J e s u s F r e a k+

Wasabe monster. Walking corny joke archive. Frustrated blog-designer. Daring eater. Wannabe movie buff. Guitarist. Big Brother. Light-sleeper. Heavy snorer.Revolutionary. Warrior. Worshipper. God-chaser.

[[ A r c h i v e-----------------

[[ S p e a k u p---------------

[[ C o n n e c t i o n s---------

...pisay

*Aica's superstah
*Andrew's tsapsuy
*Annapat's blogspot
*Ben:Works of the Architect
*Cecile, chocolate nga ngayon
*Clarisse in black and white
*Dom's life
*Garrick:Fragments of Sobriquets
*Hannah's palindrome
*Irish's doggies
*Jaki's dreams
*Jane under the moonlight
*Jao on his knees
*Jason is bored
*Joji's bitwin
*Kamae on the edge
*KATzenjammer
*Kyla '08
*Maisie, what do you think you're doing?
*Malcolm wants to play
*Mara can dance
*Rayray's potchi
*Shayne's ness

...ccbc

*Abbie's starcrossd
*Anding, monochromed
*Cheska's water(?)
*Ate Joanna
*Krizsa's masquerade
*Wiley's LJ
*brokenLink

...iscf/ivcf

*Ate Hannah's sunshine
*Gabe's breathing faith
*Yael's xanga



Jesus-
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com